Maligayang Pagbati mula sa Covered California
Kami’y nandito para tulungan kayo sa pagpili ng health insurance na angkop sa inyong pangangailangan at badyet.
Para sa tulong gamit ang wikang Tagalog maaaring tawagan ang numerong (800) 983-8816
Sa Covered California, maaari kang mamimili at bumili ng health plans mula sa iba’t-ibang pribadong kumpanya na nagbebenta ng insurance. Dito, maaari ka ring makatanggap ng tulong pinansyal para sa mas abot-kayang health insurance. Nandito kami para tulungan kayong pumili ng pinaka-angkop na health plan ayon sa inyong pangangailangan.
